ALAMIN: Ang Tungkol at Magkano ba ang Budget para sa Social Amelioration Fund ng DSWD – P275 Bilyong Peso

0
372
Social Amelioration Fund

SOCIAL AMELIORATION FUND

Kailangan malaman ang lahat ng panuntunan at kung sino lang ang makakatanggap ng tig-P5,000 na tulong mula sa gobyerno.
Ipinaliliwanag dito na hindi lahat ang makakatanggap ng naturang subsidiya.

Ang Pilipinas ang may kabuuang 24.6 milyon na pamilya pero ang makakatanggap lamang ay nasa 18 milyon na pamilya. Sa loob ng dalawang buwan lamang (Abril at Mayo 2020) bilang subsidiya.

Batay sa Joint Memorandum Circular No. 1 Series of 2020:

Ang makakatanggap ng naturang tulong ang bawat pamilya.

Sino-sino ang makakatanggap nito?

1. Kung may PWDs sa pamilya
2. Kung may Buntis o nagpapasuso sa pamilya
3. Solo Parents
4. OFW subalit stranded sa Pilipinas dahil sa COVID19
5. Indigent IPs
6. NO work NO pay workers
7. Mga kasambahay
8. Ocassional workers o mga trabahante na hired ang serbisyo at ang sahod naghihintay sa sandaling matapos ang kanyang trabaho
9. Mga trabahante ng delicacy production o food processing na ang sahod nagdedepende sa dami ng kanyang maproseso
10. Driver ng pedicab, tricycle, jeep, taxi na ang income ng driver nagdedepende sa pasahero
11. May-ari ng sari-sari store
12. Taga hugas ng plato sa carenderia
13. Ambulant vendors
14. May-ari ng carenderia
15. May-ari ng ukay-ukay
16. Street vendors
17. Magsasaka
18. Mangingisda
19. Construction workers na stranded sa kanilang construction site dahil sa COVID19
20. Karpintero na ang kita nagdedepende sa matapos na trabaho
21. CAFGU
22. JOB ORDERS
23. Senior Citizen

Social Amelioration Fund

Sino ang hindi makakatanggap ng Social Amelioration Fund o subsidiya mula sa gobyerno batay sa COVID 19 crisis
1. REGULAR EMPLOYEES SA NATIONAL AGENCIES
2. REGULAR EMPLOYEES SA CITY HALL
3. REGULAR EMPLOYEES SA MUNISIPYO
4. REGULAR EMPLOYEES SA KAPITOLYO
5. MGA GURO
6. REGULAR EMPLOYEES SA KORTE
7. EMPLOYEES SA MGA OPISINA NA TUMATANGGAP NG MINIMUM WAGE BAWAT ARAW
8. MGA PILING OPISYAL NG BARANGAY, LUNGSOD, SIYUDAD, PROBINIYSA AT MGA KONGRESISTA
9. MEMBRO NG 4PS – (ang kanilang subsidya ay diretso na sa kanilang ATM)
10. POLICE
11. SUNDALO

ANO ANG DAPAT GAWIN?

1. Magfill-up ng form para makakuha ng subsidy
2. Ang form ay ihahatid sa bawat bahay
3. Ang bawat form ay mayroong bar code kaya hindi maaring ipa-recopy
4. Ang 4Ps members hindi na kailangang magfill-up at pumirma ng form
5. Ang mga tauhan ng DSWD at mga opisyal ng barangay kasama ang mga representante ng bawat ahensiya ang magdadala ng form sa inyong bahay. HINDI NA KAILANGANG PUMUNTA SA DSWD OFFICE.

NOTE:

1. Kung may opisyal na pipili ng bibigyan ng subsidya o gamitin sa politika, maari itong makasuhan sa DILG.

2. Kung may makalusot, makakatanggang kahit hindi kuwalipikado, hindi na ito makatanggap sa susunod na bigayan at ipa-blacklist ang kanyang pangalan.

SOURCE: MAX FM

 374 total views,  1 views today

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here