DOLE TUPAD: Magkano ba ang Kabuuang Matatanggap ng kada Rehiyon? Di lalagpas sa P5k-8k depende sa itinakdang limit bawat Rehiyon

3
3551
dole tupad

Ang kabuuang tulong na matatanggap ng isang pamilya mula sa pinagsama-samang tulong mula sa LGU, DSWD (food at non-food assistance), DOLE TUPAD #BKBK ay hindi dapat lalagpas sa P5,000 hanggang P8,000, depende sa itinakdang limit sa bawat rehiyon:

1. Ano ang TUPAD #Barangay Ko, Bahay Ko Project?
Ang DOLE TUPAD #Barangay Ko, Bahay Ko (TUPAD #BKBK) ay isang safety net program ng DOLE TUPAD para sa manggagawang nasa impormal na sector gaya ng underemployed or self-employed workers na nawalan o naapektuhan ang kabuhayan o kita dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine upang pigilin ang pagkalat ng COVID-19.

Kabilang sa sektor ang mga self-employed, direct hire or occasional workers, house helpers, transport drivers (PUVs, TNVS, pedicab, tricycle, atbp.), small enterprise operators, home workers, sub-minimum wage earners, magsasaka, mangingisda, atbp.

2. Maaari bang mag-qualify ang mga freelancer, barangay health workers at barangay tanod?
Ang mga barangay health worers at tanod na tumatanggap lamang ng honorarium o allowance mula sa barangay-LGU ay maaaring makilahok sa proyekto.

Ang mga freelancer ay tinuturing na self-employed workers kaya maaari rin silang mag-qualify sa proyekto.

3. Lahat ba ng manggagawa sa impormal na sektor ay makakapag-qualify sa proyekto?
Hindi na qualified sa TUPAD #BKBK ang mga indibidwal na nakakuha na ng tulong mula sa mga sumusunod na programa:

1.Benepisyaryo ng Expanded and Enhanced Pntawid Pamilya Pilipino Program (4Ps)
2.Benepisyaro ng DOLE TUPAD-COVID 19 Adjustment Measures Program (CAMP)
3.Benepisyaryo ng DWSD-Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)
4.Benepisyaryo ng cash assistance ng DA para sa mga magsasakang nagtatanim ng palay

Ang kabuuang tulong na matatanggap ng isang pamilya mula sa pinagsama-samang tulong mula sa LGU, DSWD (food at non-food assistance), DOLE TUPAD #BKBK ay hindi dapat lalagpas sa P5,000 hanggang P8,000, depende sa itinakdang limit sa bawat rehiyon:

NCR – P8,000
CAR – P5,500
Region 1 – P5,500
Region 2 – P5,500
Region 3 – P6,500
Region 4A – P6,500
MIMAROPA – P5,000
Region 5 – P5,000
Region 6 – P6,000
Region 7 – P6,000
Region 8 – P5,000
Region 9 – P5,000
Region 10 – P6,000
Region 11 – P6,000
Region 12 – P5,000
CARAGA – P5,000

4. Ano ang matatanggap naming mula sa paglahok sa proyekto?
Makakatanggap ang benepisyaryo ng sahod alinsunod sa umiiral na pinakamataas na minimum wage sa inyong rehiyon.

Bukod dito, bibigyan rin kayo ng polyeto na naglalaman ng impormasyon tungkol sa Kaligtasan at Kalusugan at mga kagamitan sa paglinis.

5. Ilang miyembro ng pamilya ang maaaring makapag-trabaho sa ilalim ng DOLE TUPAD #BKBK?
Isang miyembro lamang ng pamilya kada bahay ang maaaring magtrabaho sa ilalim ng DOLE TUPAD #BKBK project.

6. Ano ang inaasahang trabaho ang ibibigay sa amin sa DOLE TUPAD #BKBK project?
Ang pangunahing trabaho ng mga benepisyaryo ng DOLE TUPAD #BKBK ay ang paglilinis at pag-disinfect ng kanilang mga tahanan at kapaligiran sa loob ng sampung (10) araw.

7. Aabutin ba ng buong araw ang trabaho?
Hindi. Maglilinis ang bawat benepisyaryo ng hindi hihigit sa apat (4) na oras kada araw.

8. May kagamitan bang ibibigay sa amin sa paglilinis ng aming tahanan at kapaligiran?
Maaaring magbigay ang DOLE, LGU, o iba pang accredited Co-Partner (ACP) ng sanitation materials at accessories (e.g. cleaning solutions) na gagamitin sa paglilinis.

9. Paano naming matatanggap ang sahod?
Makukuha ninyo ang inyong sahod sa pamamagitan ng money remittance service provider o direct cash payout.

10. Hindi ba mako-kompromiso ang aming kalusugan kung kami ay sasali sa programa?
Ang pagtatrabaho ay isasagawa sa ilalim ng pangangasiwa ng Local Health Offices at mahigpit na ipapatupad ang hindi kukulangin sa 1-metrong distansya sa bawat benepisyaryo sa panahon ng pamimigay ng polyeto, pagsasagawa ng trabaho, at pagbibigay ng sahod, upang masiguro ang kaligtasan ng mga benepisyaryo.

11. Paano makakuha ng tulong sa ilalim ng DOLE TUPAD #BKBK Project?
Maaari kayong makipagugnayan sa LGU o BLGU upang magpatala at magsagot ng mga forms o kaya naman ang mga mismong LGU/BLGU ang pupunta sa inyong bahay upang ipatala kayo.

Ang interesadong local na pamahalaan ay kailangan mag-sumite ng mga sumusunod na dokumento sa pinakamalapit na DOLE TUPAD Regional/Provincial/Field Offices sa inyong lugar:

1.Letter of Intent
2.TUPAD Work Program (Enhanced OSEC-FMS Form No. 3)
3.Summary of List of Beneficiaries (Enhanced OSEC-FMS Form No. 4)

12. Paano beberipikahin ang mga tulong na aming natatanggap mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno?
Magbibigay ng Social Amelioration Card ang lokal na pamahalaan kung saan doon itatala ang mga tulong na natatanggap ng bawat pamilya mula sa mga ahensya ng gobyerno. Click.

Problema sa trabaho?

Tawag na sa DOLE Hotline 1349.

Mayroon po kaming mga Hotline Service Action Officers na handang tumulong sa inyo, Monday to Sunday, bawat oras, bawat araw.

Ang DOLE Call Center ay handang magserbisyo 24/7 sa manggagawang Pilipino.

Tawag na po.

dole tupad

Statement: Secretary Silvestre H. Bello III | April 1, 2020

The Department of Labor and Employment is bent on providing assistance to as many of our workers in the formal economy sector inasmuch as we give to informal sector workers.

But it has come to our attention that there are not a few establishments that refuse to submit their report along with the payroll to the detriment of their workers.

I, therefore, appeal again to companies that, for the sake of your employees and workers, submit your reports so that we may be able to extend them their most needed assistance under the COVID 19 Adjustment Measures Program (CAMP).

As of March 31, our field monitoring already recorded more than 630,000 workers displaced either by reason of temporary closure or flexible work arrangements as reported by 15,213 establishments. Of these figures,169,232 belong to the informal sector.

We have so far distributed P160 million and we are accelerating the release of assistance to all those affected.

To emphasize, the cash aid available is different from the allocation of between P5,000 to P8,000 in subsidy that the Department of Social Welfare and Development (DSWD) and other agencies are providing under the Bayanihan to Heal As One law.

While the new law provides cash and non-cash Emergency Subsidy Program (ESP) for two months based on the prevailing regional wage rates, DOLE’s CAMP is one-time quarantine assistance.

The ESP targets families with at least one member belonging to vulnerable and disadvantaged sectors such as Senior Citizens, Persons with Disability, Pregnant and Lactating Women, Solo Parents, Overseas Filipinos in Distress, Indigent Indigenous Peoples, Underprivileged Sector and Homeless Citizens, and Informal Economy Workers.

Among these programs are DSWD’s food and non-food items, cash assistance to individuals in crisis, and livelihood assistance grants; DA’s cash assistance to rice farmers; and other programs of DTI. Click.

3 COMMENTS

  1. Good day po. Ask kolang po if naaprubahan napo ba ang Dole assistance po namin worth 5000 under ng company AIQON UNICORP INC? .

  2. Gud evening po ask qlng po kung kasama po ang company pinagsilbihan Ko ng 9 Na buwan.?
    Dexin International Inport &Export Corp.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here