Hamon ni Robin Padilla sa mga big stars ng ABS-CBN at GMA 7: Ilabas ang kontrat tutal napakadrama n’yo gawin na nating teleserye ‘to

0
733

MATINDI ang hamon ni Robin Padilla sa mga big stars ng ABS-CBN at GMA 7 matapos ang sunud-sunud na pagpapakita ng kanilang simpatya sa ipinaglalaban na franchise renewal ng Kapamilya Network.

Sinabihan niya ang mga ito na ilantad sa publiko ang kanilang network contracts para malaman ng lahat kung magkano ang kanilang kinikita.

Hindi nagbanggit ng pangalan si Binoe pero pinaniniwalaan ng marami na ang pinatatamaan niya ay ang malalaking artista ng Dos tulad nina Vice GandaCoco MartinRegine VelasquezPiolo Pascual, Angel Locsin, Anne Curtis at iba pang nagpahayag ng kanilang pakikiisa sa ipinaglalaban ng kanilang mother network kabilang na ang mga GMA stars na sina Dingdong Dantes, Eugene Domingo, Aiko Melendez at Atom Araullo.

Narito ang ilang bahagi ng mensahe ni Robin: “God is great!! para sa mga superstar ng abscbn at gma hinahamon ko kayo humarap ng live at ipagtanggol nyo ang mga network niyo.

ABS-CBN

“Ilabas natin ang mga contract natin at ikumpara natin sa mga kasama natin sa trabaho sa taping at shooting.

“Ipakita natin sa taongbayan ang tinatamasa natin sa mga network natin at ang tinatamasa ng sinasabi ninyong ipinaglalaban niyo na wag mawalan ng trabaho.”

Pagpapatuloy pa niya, “Gusto niyo pala itama ang mali abay umpisahan natin sa una pag usapan muna natin ang tamang sueldo benepisyo at tamang oras ng trabaho ng mga kasama natin sa taping at shooting bago niyo ipaglaban ang karapatan ng kumpanya.

“Unahin niyo yun tao ng kumpanya na kasama niyo sa bawat araw sa location at wag niyo proteksyonan lang ang regular employees. paano yun mga hindi regular? Yun mga tao sa tent niyo at portalet buwan hanggang taon yan na kasama ninyo depende sa haba ng show niyo.

“Natanong niyo man lang ba kung sub contract ba sila ng regular employee ng abscbn at kung may overtime pay ba sila? Ilan ang laborer at sub contract ng regular employees ng abscbn? Sino sino?

“Yun pagkain parehas ba kayo ng kinakain ng mga crew? Tama ba sa sustansya?”

Kamakailan, nag-post din si Robin sa Facebook ng kanyang saloobin sa quo warranto petition na isinumite sa Supreme Court ng Office of the Solicitor General kontra-ABS-CBN.

 “Ipaglaban ninyo ang agreement ng DOLE at ng FDCP sa mga network nyo at kapag nakuha niyo yun para sa mga taong nagpapakahirap talaga na kasama ninyo kahit umulan o umaraw magpuyatan man o hindi tsaka niyo ipaglaban ang sinasabi ninyong karapatan ng isang multi billion na kumpanya.

“I am not against abscbn franchise but we have to be real this is the only chance na kayo ang maging daan para mabago ang takbo ng working state nating lahat sa entertainment industry magpagamit muna kayo sa mahihirap sa mga taong nagdala sa inyo sa kasikatan bago sa mga mayayaman .

“I am for abscbn renewal pero include the agreement of Chairwoman Liza DIño and Secretary Silvestre Bello in there mission and vision una muna tayong magserbisyo sa mga tao natin sa loob natin! sa bakuran natin! bago tayo mangapitbahay.”

Hirit uli niya, “Anytime ako anywhere ilabas natin mga contract natin let us compare our salaries to our kapamilya co workers at isama niyo na mga kapuso at mga kapatid.

“Magpalabasan na tayo para makita ng publiko let us give it to them tutal napakadrama ninyo

“Gawin na nating teleserye punuin natin ng revelations ang isyu na ito na dapat pinag uusapan sa korte at congress.

“Hindi lahat sa mundo ay Showbiz at Politics one way or the other the revolution of the people has to be realized!”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here