Kakaibang aksyon ng Mayor sa Esperanza, Sultan Kudarat | Mayor Charles Federick Ploteña

0
1176
Esperanza, Sultan Kudarat

MASAYANG nananatili na ngayon sa mga isolation centers ng kani-kanilang mga munisipyo ang ilang mga OFWs na nakauwi matapos matulungan ng Balik Probinsya Program ng gobyerno.

Dito sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat – laking pasalamat ng apat na mga OFWs mula sa ibat-ibang panig ng mundo dahil sa magandang akomodasyon na ibinigay sa kanila ng kanilang lokal na pamahalaan.

Kahit pa umano gabi na nang lumapag sila sa Gensan International Airport ay nasundo pa sila ng kanilang mga lokal officials at naihatid sa kanilang quarantine facility.

Esperanza

Kahit hindi pa sila nagkikita ng kanilang mga kamag-anak ay panatag na umano sila maging ang kanilang mga kapamilya dahil nandito na sila sa kanilang bayan at ilang araw na lang din ay magkakasama-sama na sila.

Bagamat halos dalawang buwan nang naka-quarantine sa Luzon ay wala naman daw silang problema sa dagdag na 14-days quarantine dito sa quarantine center ng munisipyo.

Ayon sa kanila, mula sa Luzon kung saan sila naka-quarantine ay exposed sila hanggang sa pagbiyahe nila papunta sa airport, sa eroplano, sa bus pauwi sa kanilang munisipyo kaya nararapat lang din na i-isolate muna sila para na rin sa kanilang kapakanan at kapakanan ng mga taong makakasama nila pag-uwi nila sa kanilang mga tahanan.

Kapag matatapos na umano ang pandemyang ito ay plano pa din naman nilang bumalik sa kanilang mga trabaho sa labas ng bansa.

Ayon naman kay Dr. Gilson L. Laspiñas ng MHO Esperanza – bagamat may mga tests nang isinagawa bago bumiyahe ang mga repatriates na ito ay dumaan pa rin umano ito sa kanilang mga kamay para sa thorough examination bago ipinadala sa mga quarantine facilities dito sa munisipyo.

Maari naman silang bisitahin ng kanilang mga kaanak sa naturang quarantine center ngunit kailangan lamang sumunod sa mga protocols para maiwasan ang contact.

Ayon naman kay Esperanza Sultan Kudarat Mayor Charles Federic Ploteña – patuloy ang kanilang paghahanda para sa sunod-sunod na pagdating pa ng mga locally stranded individuals (LSI) at mga OFWs sa kanilang bayan.

Aniya, handa na para tumanggap ng mga LSI ang mga isolation centers sa bawat barangay maging ang municipal isolation units at trained na din ang mga taong hahawak dito.

Iso-shoulder na rin ng munisipyo ang lahat ng pangangailangan ng mga LSIs at OFWs na ito lalo na ang pagkain at iba pang essential needs ng mga ito.

Aminado naman siyang mataas ang risk ngayong tumatanggap na sila ng mga galing sa ibang lugar, ngunit bilang ama ng bayan, mahirap umano sa pakiramdam na kulang ang mga anak mo sa inyong tahanan kaya kahit na challenging dahil exposed na nga sila sa mga lugar na may covid ay kailangan silang tanggapin at bigyan ng nararapat at magandang akomodasyon.

Sa ilang mga naiwang residente ng bayan na nasa ECQ (now GCQ) areas tulad ng NCR, Cebu at Davao ay nagpadala din ang LGU ng tig-2000 pesos na cash assistance. Kahit papaano umano ay makatulong ito sa kanilang mga pangunahing pangangailangan habang naka-quarantine sa naturang mga lugar.

Source: Max Fm Tacurong

 1,175 total views,  2 views today

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here