Alamin kung paano ikokondisyon ang Mental Health habang may COVID-19 Crisis?

MANILA – Kaakibat ng krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang pangamba lalo na’t hindi pa ganoong masasabi kung kailan ito matatapos. 

Ayon sa psychologist na si Divine Love Salvador, “normal” lang na makaramdam ng ganitong pangamba lalo na’t may krisis. 

“Normal lang ang mga mixed emotions kasi nasa kakaiba tayo na sitwasyon,” ani Salvador sa programang “Failon Ngayon.” 

crisis

Nakaapekto kasi aniya ang krisis sa COVID-19 sa araw-araw na pamumuhay, gaya ng pagpapatupad ng quarantine at pagbabago sa mga pang-araw-araw na gawain. 

“‘Yong nature kasi ng crisis nadidiskaril n’ya lahat ng ating usual systems and ways of coping bilang mga individual, komunidad at lipunan… So lahat tayo nag-grapple at kumakapa tayo ngayon so lahat tayo may [way] na mag-develop ng bagong diskarte sa buhay,” paliwanag ni Salvador.

Kaya tama lang aniya na ikondisyon ang crisis sariling pag-iisip sa mga “bagong pananaw” gayong may mga bagong routine sa buhay na kailangang gawin. 

“Magiging open at curious sa bagong pananaw at sa mga pagkakataong pagbabago sa kung ano man ang kanilang magiging approach sa buhay nila.”

Mahalaga ring alalahanin pa rin ang sariling crisis kapakanan ngayong may krisis, partikular na ang mental health, lalo na’t hindi nako-control ang sitwasyon. 

“‘Wag ganong indahin ang mga bagay na hindi natin now mako-control. We can work towards accepting kung ano ang sitwasyon natin ngayon. So definitely pangangalaga mo sa kalusugan sa mental health mahalaga iyon,” ani Salvador. 

Payo ni Salvador, maglaan ng oras para magmuni-muni. Pero kung ang pagmuni-muni ay magdudulot aniya ng masamang pananaw, dapat na itong tigilan. 

Malaking bagay din ayon sa eksperto ang crisis tungkulin ng gobyerno na matugunan ang mga pangangailangan ng mga kinasasakupan, para sa ikabubuti ng mental health nila. 

“Dito po kasi papasok ang ugnayan ng kapasidad ng gobyerno na punan ang basic needs natin, security, dahil ang kawalan nito ay nakakaapekto sa ating mental health,” ani Salvador. 

Ipinatupad ang community quarantine sa ilang lugar sa bansa dahil sa pangamba ng COVID-19. Dahil dito, natigil ang trabaho sa ilang sektor, nag-iba ang patakaran sa mga establisimyento, at naapektuhan maging ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan.

 292 total views,  1 views today

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here